Linggo, Enero 25, 2015

UNHEALTHY PINOY MONEY MINDSET #1 By: Chinkee Tan


 Source: http://chinkeetan.com/unhealthy-pinoy-money-mindset-1/


“MAY DARATING PA NAMAN AKONG SWELDO O BONUS EH”
Kakatanggap mo palang ng sahod mo ubos na agad! Parang bagyong, dumaan lang sa palad mo. Ubos-ubos biyaya, maya-maya nakatunganga. Minsan nga wala pa yung sweldo mo, nagastos na sa online shopping o pagkain sa labas. At minsan, inuutang pa natin ang ating kita bago pa dumating ang sweldo. Kaya pagdating ng araw ng sweldo, simot na agad. Bakit? Kasi ibabayad na agad sa utang. Kapos na kapos at tila ba naghihikahos sa buhay. Yung dapat na matanggap na mid-year or Christmas bonus ay nakasanla na. Pati yung ATM wala na rin dahil ito ay nakasanla na rin.
Kapag mayroon tayong ganitong mindset, siguradong kahit napakalaki ng sahod mo, you will still live in lack and in debt. You cannot count the chicks that hasn’t hatch. Kung ipagpatuloy natin ang ganitong klaseng pamumuhay, maniwala ka, walang asenso ang mangyayari kundi panay perwisiyo.
Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit walang nangyayari sa ating financial life. Hanggat hindi magbago ang ating mindset, hihndi magbabago ang ating buhay.
Nagpapakasarap lang tayo sa ngayon, pero naghihirap naman tayo bukas.
Kung gusto natin umunlad ang ating buhay at makalabas sa utang. Kailangan natin matutong mag-isip ng LONG-TERM at matutong MAGTIIS at MAGTIYAGA.
These are the three key words that we need to set in our mind..
THINK LONG-TERM
LEARN HOW TO ENDURE
LEARN TO BE PATIENT
Kung nagawa mo yan kapatid, maniwala ka magbabago ang finanical life mo.
Bakit hindi mo subukan, nothing to lose but eveyrthing to gain.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano ba ang umuudyok sa iyo na bumili ng mga bagay na hindi mo naman kinakailangan pero gusto mo lang?
Naprepressure ka ba ng peers mo o ng mga kamag-anak mo?
Naisipan mo na ba magbago na ng mindset?
Kung handa ka na nais kitang tulungan. I want you to watch this video. Please click on this link http://bit.ly/1wOrPI6

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento