May mga kakilala ba kayong taong
ubod ng YABANG?
May mga kakilalang kayong bang mga taong dating walang wala at marunong makisama. Noong umunlad ang buhay, bigla na lang silang nagbago. Sumama ang ugali at hindi ka na masyadong pinapansin at kinakausap. Para bang nabale wala ang taong na inyong pagkakaibigan at pagsasama. Iba na ang kaniyang mga kaibigan Iba na ang mundo na kaniyang kinabubuhayan at hindi na siya nababagay sa dating buhay. . Short of saying, na hindi ka niya ka level. In other words, YUMABANG!

May mga kakilala ba kayong mga
ganoong tao?
If you know someone, you are not alone. May mga taong akong nakasama at natulungan ngunit hindi ka man maalala.
If you know someone, you are not alone. May mga taong akong nakasama at natulungan ngunit hindi ka man maalala.
May mga taong nagsasabi, “Ganoon
talaga ang tao, pag dumating na ang pera nagbabago ang tao.”
Maari na naranasan mo ang sinasabi
mo pero matapos ang mahabang panahon na pinagaralan ko, ito ang paniniwala ko
pag dating sa taong nagbago.
Ang pera HINDI KAYANG BAGUHIN ANG
TAO, pero ang pera kayang ilabas ang tunay niyang PAGKATAO.
Dati ng mayabang yung kamag-anak,
kaibigan mong yan, hindi lang halata. Dahil noong wala siya, wala siyang
ipagyayabang. Ano ang ipagyayabang niya? Yung kaniyang kawalan.
So if you ever meet people who
changed because of money, do not blame money. Ang pera kasi neutral, pwedeng
gawin sa mabuti at masama. Ang nagpapabuti at nagpapasama ay walang iba kung
hindi ang taong humahawak ng pera.
Huwag natin lalahatin ang mga taong
yumayaman ay yumayabang; dahil hindi lahat sila ay yumayabang. May mga taong
yumaman na nakaapak pa rin sa lupa at hindi nagbabago. Katulad ng matalik kong kaibigan
na si Randy Santiago aka “Mr. Shades.”
Kahit noong sobra na siyang kilala
at marami ang kumukuha sa kaniya, ganoon pa rin ang kaniyang pag-uugali. Mabait
siya sa lahat ng tao, mga producer man o kaniyang mga followers. Hindi siya
namimili na taong kakausapin at pakikisamahan. That is the reason why after 27
years of friendship, we still get in touch, call and see each other at least
once in a year.
Yan ang tunay ng mga tao at very
true to his hit song na “HINDI MAGBABAGO.” For those young people out
there who missed out on this song, please click here http://bit.ly/1t1ukwc
Kaya’t pag dumating ang pagkakataon
na ikaw ay yumaman, pwede magbago ang ating kinakain, tirahan, gamit, sasakyan
o lifestyle . Pero parati nating paalalahanan ang ating saril na hindi dapat
magbago ang ating pag-uugali.
We just need to be reminded where we
started and we will not get to where we are if not for the people who helped
and believed in us. We need also to be reminded that it was God who gave us the
ability and granted us the opportunity. Kung ito ay ipinagkaloob sa ating ng
Diyos, kaya rin niyang bawiin ito.
THINK. REFLECT. APPLY.
Kamustahin natin ang ating sarili,
kung ikukumpara natin ang ating sarili sa dati, nag-level up na ba ang iyong
buhay?
Kamusta naman, pareho ka pa rin ba ng dati o may nararamdaman ka ng iba?
Marunong ka bang magbalik tanaw at magpasalamat sa mga taong tumulong sa iyo at lalo na ang Diyos na ipinagkatiwala sa iyo ang tagumpay?

Sana nakatulong itong maikling blog
na ito sa pagiging isang matagumpay na hindi HAMBOG kundi HUMBLE
na tao.
SEARCHED BY: Nicholai M. Luceños
-
Follower of
Mr. Chinkee Tan
-
Follower of
Bo Sanchez
-
Follower of
John Calub
-
Follower of Francis Kong
-
Follower of Liberato Laput
-
Follower of Dr. Carl Balita
-
Follower of Paul Tibig
DATE: December 26,
2014
LET BE INSPIRED ALWAYS!!!, THANK YOU VERY MUCH MY MENTORS...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento