May mga kakilala ba kayong mga….
Kulang na nga ang sweldo pero tuloy pa rin ang luho?
Hindi na makabayad sa upa pero panay pa rin ang gimik?
Lubog na nga sa utang pero tuloy pa rin ang pangungutang?
Naging parte na ng kultura nating mga Pinoy ang pagiging kulang sa disiplina.
Saan ka man magpunta may mga nagpapakita ng ganitong kahinaan.
At sa palagay ko kaya kulang sa disiplina ang ilang mga Pinoy ay tila ini-idolo si …
JUAN TAMAD
Gusto laging mag-relax habang NAGHIHINTAY na lang palagi na mahulog ang mga biyaya.
Lubog na lubog na sa utang pero tamad pa din gumawa ng paraan para matuto na maka-ahon sa pagkakautang.
Masipag lang sa paghahanap ng mga DAHILAN para matakasan ang mga responsibilidad.
Ang iba naman kaya kulang sa disiplina ay dahil …
MASYADONG EMOTIONAL
Iniisip na i-comfort ang sarili after a very tiring
work kasi DESERVE ang mag-chill. Deserve nga naman mag-relax pero
syempre mas deserve kung ang pagkakagastusan ay makakatulong hanggang sa
future at hindi magiging pabigat.
May mga katwiran din na
“kailangan” bilhin ang isang bagay
para mas mapadali ang buhay. Kadalasan kasi kapag lumaki ang nakukuhang
income, nag-aadjust ang lifestyle at nagbabago na din ang set of
guidelines ng pangangailangan. Kung noon ay nakakapag-enjoy pa sa isang
putahe sa hapag kainan, ngayon ay lagi ng sa mamahaling buffet na
restaurant ang dinner.
Meron naman na sadyang …
NAGPAPASIKAT LANG
Feeling Jack ng Titanic at ang thinking ay: “I’m the king of the world!”
Damang dama na walang makakapigil sa kanya. Papatunayan pa sa
pamamagitan ng pagpapakitang tao na kaya niyang bilhin ang pinakamahal
na mga pagkain sa mundo. Hindi pa makukuntento at i-popost pa sa
Facebook at Instagram ang bawat pictures ng mga ito.
Ipagmamalaki na kayang bumili ng napakagarang sasakyan kahit ang
totoo ay hindi naman afford. Ipangungutang naman talaga ang pang-down
payment maging ang pang-monthly amortization. Pero kahit ang pambayad sa
utang ay hindi din naman siguradong mababayaran. Basta magmukhang COOL
at SUCCESSFUL, ayos lang kahit walang sure na pambayad.
Higit sa lahat, kaya kulang sa disiplina ay dahil …
AYAW MAGBAGO
Hindi kayang aminin sa sarili na kailangan magbago kaya steady lang sa “normal” na gawain. Inaatake ng KATAMARAN kaya ayaw kumilos para mas mapabuti ang kinalalagyan.
Feeling importante kaya ang iniisip ay EXEMPTED siya sa pagbabago. At
ang expected ay ang mga nasa paligid niya ang magbabago para sa
kapakanan niya.
Sa sobrang
FOCUSED sa sarili para magpasikat, hindi na
napapansin ang mga mali na nagagawa. Dahil dito, hindi nakikita ang
ilang areas na kailangan ma-improve.
Yan ang ilang dahilan kung bakit kulang sa disiplina ang mga Pilipino. Remember,
“You can’t change the world, but you can change your world.” At magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagiging …
MASIPAG
Have a
POSITIVE ATTITUDE and you will gain positive rewards in
the future. Mas mahirap man ang maging masipag, hindi hamak naman na mas
maganda ang maidudulot nito para maging successful ang iyong buhay.
PRACTICAL
Huwag magpadala sa emosyon every time you will decide on how you will
spend your money. Dapat ALIGNED sa long-term goals mo ang bawat
paggastos mo.
MAPAGKUMBABA
Tama na ang pagyayabang kung ikaw ay madaming pambili! Mas NAKAKABILIB
ang isang taong MATALINO sa paggastos kaysa ipinakikitang kaya niyang
gumastos.
HANDA SA PAGBABAGO
Huwag kang matakot sa pagbabago. Posibleng mahirap ang proseso ng
pagbabago pero definitely may MAGANDANG RESULTA na naghihintay para
sayo.
THINK. REFLECT. APPLY.
Kulang ka pa din ba sa disiplina?
Gusto mo bang maging disiplinado?
Kung oo, ano ang ginagawa mo para maging disiplinado?
Source: http://chinkeetan.com/bakit-ang-pinoy-kulang-sa-displina-sa-paghawak-ng-pera/